Proyekto Panuto: Magkakaroon ng “puppet show” ang klase, ang pagtatanghal ay patungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga magulang na kailangang iugnay sa katatapos lang na talakayan patungkol sa Pabula ng Korea na Ang Mag Inang Palakang Puno. Ang buong klase ay mahahati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay gagawa ng iskrip para sa pagtatanghal na gagawin sa susunod na pagkikita at ang ikalawang pangkat naman ay ang magiging karakter sa nasabing pagtatanghal. Ang pagtatanghal ay hindi kukulangin ng tatlong minuto at hindi sosobra sa limang minuto. Maging malikhain sa nasabing gawain. https://www.scribd.com/doc/274148280/Rubrik-Sa-Pagtataya-Ng-Role-Play
Linang Kaalaman Blog Casuncad, Junalyn L. Enano, Jolina E. BSEd-3B Layunin: Nailalahad ang mga kaisipan tungkol sa pagiging masunurin sa magulang Nakabubuo ng iskrip tungkol sa kahalagahan ng pasunod sa magulang Nakalilikha ng isang pagtatanghal kaugnay sa ginawang iskrip Paksa Ang Mag Inang Palakang Puno. Pabula ng Korea
Gawain: Bugtong ko, hula mo! Panuto: Sagutin ang mga bugtong upang malaman ang nasa loob ng kahon. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. ASO Kaaway ni bantay may siyam na buhay. PUSA Larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan. KALABAW
Comments
Post a Comment